PANOORIN: Pangulong Duterte, dumating na sa Russia

Alas-3:25 ng madaling araw, oras sa Russia, alas-8:25 naman ng umaga dito sa Maynila ng dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Vnukovo military base airport sa Moscow.

Ang Pangulo ay sinalubong ng ilang Russian officials mula sa State Protocol Department sa pangunguna ng Deputy Director nito na si Andrey Igorevich kasama si Anatoly Borovik, Deputy Director, Third Asian Department.

Kasama ring sumalubong sa pagdating ng Chief Executive dito sa Moscow ang ilang kabilang sa Philippine delegation.

Ito ay sina DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. at PCOO Secretary Jose Ruperto Martin Andanar.

Kasama nina Locsin at Andanar, si Philippine Ambassador to the Russian Federation Carlos Sorreta.

Mamayang hapon dito sa Moscow ay magsisimula na ang aktibidad ng Pangulo at una dito ay ang kanyang bilateral meeting kay Russian Prime Minister Dmitry Medvedev.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.