PANOORIN: VP Leni Robredo walang planong pumatay sa drug war

Taliwas sa naging laban kontra iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nauso ang tokhang na madugo at maraming napaslang, sa bagong drug czar na si Vice President Leni Robredo.

watch the video here:

Target ni Robredo na maging bloodless ang kanyang laban kontra droga, nais na walang mamatay sa pag-upo niya bilang co-chair ng Inter-agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD).

“Wala sa plano natin ang pagpatay kasi wala iyon sa bounds ng rule of law. Iyon ‘yung ating directive,” saad ni Robredo.

“Maraming pagkakataon kasi iyong concentration ay nasa maliliit [na drug pushers]. Dapat mas maraming resources at oras para hanapin iyong mga malalaki. Yun ang aking directive. Pero iyong pagpatay, whether malaki o maliit, wala iyon sa usapan,” aniya pa.

Sa kasalukuyan ay nasa limang libo pataas na ang bilang ng mga namamatay dahil sa drug war, habang nasa 1,499,474 drug personality naman ang napanagot.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.