Panukala na gawing krimen ang Online Sexual Abuse, pasado na sa Senado

Inaprubahan sa Senado ang panukalang batas na magpapaigting sa proteksyon sa mga kabataan mula sa online sexual abuse at exploitation.

23 na mga senador ang bumuto para sa pagpasa ng Senate Bill No. 2209 o ang Special Protections Against Online Sexual Abuse and Exploitation of Children Law o ang Anti OSAEC Act.

Ang panukala ay pagpapalawak sa proteksyon sa mga kabataan na una ng nakasaad sa ilalim ng mga batas tulad ng Anti-Child Pornography Act of 2009.

Sa ilalim ng panukalang batas ay itinuturing na isang krimen ang OSAEC.

Kasunod nito ay bibigyan ng kapangyarihan ang mga law enforcers o mga otoridad na mag imbestiga at magparusa sa mga dayuhang nasa likod ng OSAEC gaya ng nakasaad sa probisyon ng panukalang batas.

Naihain ang panukalang batas dahil sa pagdami ng mga kabataan na naabuso sa cyber space bago pa ang pandemya.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, sponsor ng panukala, taong 2016, ayon sa Unicef isa ang bansa sa top 10 producer ng OSAEC Materials kung saan ay tumaas ang kaso ng pang aabuso ng 264. 6 % sa bansa.

Ayon naman kay Sen. Sherwin Gatchalian, isa sa mga co author ng panukala, ang Dept. of Justice Office of Cybercrime ay nakatanggap naman ng mahigit isang milyong reports na pinaghihinalaang OSAEC na mas mataas ng halos tatlong beses mula sa mahigit 400,000 naiulat noong taong 2009.

Itinuturing naman ng mga senador na ang panukala bilang happy bill dahil sa proteksyong ibibigay nito sa mga kabataan lalo pa’t ngayon ay nakatutuok ang mga ito sa online classes.

Bago pa tumama ang pandemya sa ating bansa ay talamak na ang paggamit sa internet upang abusuhin ang ating mga kabataan.

Napapanahon na upang wakasan ang krimeng ito at itaguyod ang mas ligtas na internet para sa ating mga kabataan

Si Sen. Risa Hontiveros naman ay umaasa na magiging mabilis din ang Kamara sa pagpasa sa naturang panukala.

Ani Hontiveros,”Umaasa po ako Mr. President mapabilis din ang pagpasa nito sa Kamara para tuluyang maprotektahan ang dignidad ang pangarap at kinabukasan ng ating mga kabataansa Kamara ang pagpasa ng naturang batas.

Samantala, nagpahayag naman sina Sen. Bong Go, Villanueva, Gordon , Pangilinan, at Recto para maging co-sponsor ng panukalang batas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.