Panukalang batas mula sa Senado para bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, iligal —Atty. Gadon

Agad binara ni Atty. Larry Gadon ang panukalang batas na inihain ni Senate President Vicente Sotto III na nagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN para muli itong makabalik sa free TV. 

Ayon kay Gadon, iligal umano ang Senate Bill 1967 na inihain ni Sotto kahit pa sinusuportahan ito ng anim na senador. 

Ipinaalala ni Gadon na ang panukalang batas na nagbibigay ng prangkisa sa isang broadcast entity ay nagmumula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. 

Ngunit bago umano bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN ay dapat daw munang maresolba ang mga dating isyu na ipinupukol laban dito. 

Ilan lamang sa mga isyung dapat maliwanagan ay ang usapin ng PDR o Philippine Depository Receipt, citizenship ni Mr. Gabby Lopez, Labor disputes sa mga empleyado, binayarang buwis, usapin ng titulo ng lupang kinatitirikan ng kumpanya, at maraming iba pa. 

Sinabi ni Gadon, hindi daw dapat ito binabalewala ng Kongreso lalo pa at maselang usapin ang hinaharap ng kumpanya. 

Kung ang katwiran daw ng mga senador ay ang klase ng palabas sa telebisyon mula ng mawala ang ABS-CBN, dapat umano nilang pukpukin ang Movie and Television Review Classification Board o MTRCB para magkaroon ng magagandang palabas sa iba pang television network. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.