Panukalang layong gawing Philippine Rise ang pangalan ng Benham Rise, inihain sa Senado

Isinusulong ni Senator Francis Tolentino na mapalitan ng ‘Philippine Rise’ o ‘Talampas ng Pilipinas’ ang pangalan ng Benham Rise.

Ayon kay Tolentino, sa pamamagitan ng inihain niyang Senate Bill 2235 ay mas maipapakita ng ating bansa ang pagdedeklara natin ng ating sovereign rights, sa 13 million hectare underwater plateau na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. 

Sinabi pa ng senator, na ang panukalang ito ay magsasabatas ng nilalaman ng Executive Order no. 25 ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Bukod sa pagpapalit ng pangalan ng Benham Rise, nakapaloob rin sa panukala ang pagpapangalan ng 22 undersea features na makikita sa naturang teritoryo.

Imamandato rin nito, ang paggamit ng pangalang ‘Philippine Rise’ o ‘Talampas ng Pilipinas’ at mga ipapangalan sa mga underseae feature nito, sa lahat ng mga opisyal na mapa, chart at iba pang opisyal na mga dokumento.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.