PAO Chief Persida Acosta, naturukan ng Dengvaxia patay!

Iniulat ng Public Attorney’s Office (PAO) na isang dalagita ang nasawi makaraang tumanggap ng anti-dengue vaccine Dengvaxia.


Kinilala ni PAO Chief Persida Acosta ang biktimang si Ma. Vinna Mae Etang, 15-anyos na nasawi noong Oct. 7.

Si Etang aniya ang ika-158 Dengvaxia recipient na nasawi at naawtopsiya ng PAO forensics team.

Ang awtopsiya ay nasa pangunguna ni Director Dr. Erwin Erfe batay na rin sa hiling ng magulang nito.

“Consistent po ang mga simtomas na naramdaman ng biktima doon po sa mga naramdaman ng mga biktima na na-examine po natin,” ani Erfe.

“Ganoon din po ang nakita namin sa pag-examine ng kanyang labi na nakakita kami ng paglaki ng mga internal organs at pagdurugo po ng iba’t ibang bahagi ng katawan.”

“Ang pinaka-matindi po na pagdurugo ay nakita sa kanyang utak at sa kanyang dalawang baga,” punto pa nito.

Sa impormasyon, hindi nagkaroon ng dengue si Etang ngunit nakatanggap ng Dengvaxia noong March 2016, Oct. 2016, at 2017.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.