Paolo Duterte, Yap may P5M donasyon sa kaanak ng mga biktima ng C-130 crash

Magbibigay ng limang milyong piso sina Presidential son at Deputy Speaker Paolo Duterte, at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap sa pamilya ng mga biktima ng C-130 crash sa Sulu.

Ibibigay anila ito sa Camp Aguinaldo sa Lunes at tatanggapin ng ranking officials ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Maaalalang nasa 53 ang nasawi sa bumagsak na eroplano kasama na ang mga sundalo at sibilyan.

“To us, they are heroes and we salute them for their sacrifices. But to their families, they are everything. From the people of Davao City, we would like to extend our condolences to the bereaved families and loved ones of those who died in the incident,” lahad ni Duterte.

“We honor the lives of our State defenders that we lost in this tragedy. No amount of money can compensate the sacrifice they have done but I hope that this can somehow help them for their immediate needs.”

Nanawagan din ang mambabatas sa gobyerno na maglaan ng suportang kakailanganin ng mga pamilya nito at pinatitiyak na hindi na maulit pa ang naturang insidente sa mga susunod.

“Nakakalungkot ang sinapit ng ating mga sundalo na gusto lang ay makapagsilbi sa bayan at paigtingin pa ang ating paglaban sa terorismo. Saludo tayo sa kanila,” lahad naman ni Yap.

“Hangad natin na kahit papaano ay makatulong tayo sa pamilya nila ngayon na nawalan sila ng mahal sa buhay. At para sa mga sugatan mula sa insidenteng ito, nawa’y magsilbi itong pansamantalang tulong hanggang sila ay makabalik sa serbisyo.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.