Para kay Sen Bong Go, No vaccine, no face-to-face classes as much as possible

Muling iginiit ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na huwag payagan ang face-to-face classes hangga’t walang pang gamot para sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“Let me reiterate po: No vaccine, no face-to-face as much as possible. Importante makapag-aral pa rin ang mga bata sa paraan na hindi sila mapipilitang ma-expose sa sakit,” pahayag ni Go, chairman ng Senate Committee on Health.

Sa halip, hinikayat nito ang Department of Education (DepEd) na i-pursue ang ibang paraan ng pagsasagawa ng klase na sumusunod sa health at safety protocols, kagaya ng social distancing.

“Ayaw kong mapunta sa bata ang burden. Ayaw ko ma-pressure ang estudyante na pumasok sa eskuwela tapos may banta naman sa kanilang kalusugan,” ani Go.

“Kaya binigyan ang DepEd ng option to recommend na ipagpaliban muna ang opening upang masiguro nila na maipapagpatuloy ang edukasyon sa paraan na ligtas,” sambit pa nito.

Hinikayat din nito ang ahensiya na gabayan ang mga mag-aaral dahil nag-a-adjust sila sa bagong ‘mode of learning’.

“Marami pong mga estudyante ang walang laptop o internet access. Maraming estudyante na mahihirap. Paano naman po sila? Siguruhin natin na lahat ng mga estudyante natin ay mabibigyan ng pantay na oportunidad sa ilalim ng learning continuity plan,” sabi ng senador.

Napakahirap aniyang mag-adjust sa bagong mode of learning kasabay ng banta sa kalusugan na maaaring makaapekto sa sa mental at emotional na kondisyon ng mga bata.

“Basta matuto ang lahat ng estudyante pero sana walang bagsak dahil mahihirapan pa po ang estudyante na mag-adjust sa makabago at iba’t ibang paraan ng pag-aaral,” ani Go.

“Health pa rin ang important. Sa kagustuhan nating makapag-aral ang mga bata, inuuna pa rin natin palagi ang interes, kapakanan at buhay ng bawat Pilipino,” lahad pa nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.