Para makaiwas sa traffic, Ferry na biyaheng Metro Manila patungong Cavite target ng DOTr

Para makiwas sa traffic, Ferry na biyaheng Metro Manila patungong Cavite target ng DOTr

Target ng Department of Transportation (DOTr) na makapaglunsad ng passenger ferry na bibiyahe mula Metro Manila patungo ng Cavite.

Personal na tinesting ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagbiyahe mula Pasay City hangang Tanza, Cavite.

Lulan ng passenger ferry na may bilis na 20 knots, ang biyahe ng mula SM Mall of Asia hangang Sangley Point ay inabot ng 15 minuto habang kabuuaang 50 minuto naman mula SM Mall of Asia patungong Cavite Gateway Terminal.

Kung sa kalsada daraan, kadalasang traffic ang inaabot ng mga motorista sa rutang ito kaya patuloy ang pagsisikap ni Sec. Tugade na maglatag ng transportation options na makapagbibigay ginhawa sa mga commuter.

“Diba ang gusto ng pangulo ay comfortable life for all? Ito ginagawa natin para mabigay yan sa mga Pilipino. Hindi lang isang solusyon ang tinitingnan natin. Basket of solutions dapat. Lahat ng solusyong iyan ay pagbubuklurin natin,” ani Sec. Tugade.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.