Pari nanawagan; ibang mas karapat-dapat na bilanggo, bigyan din ng pardon

Nararapat ding bigyan ng absolute pardon ang iba pang mga bilanggo na mas karapat-dapat, tulad ng iginawad kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, ayon sa isang pari.

Sinabi ni Father Silvino Borres ng Coalition Against Death Penalty na ang kautosan ng korte na maagang pagpapalaya kay Pemberton at pagbibigay ng pardon ng Pangulong Rodrigo Duterte ay isa na naman umanong halimbawa ng hindi patas na sistema ng hustisya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong.

Umaasa naman ang pari na bibigyan din ng pardon ng Pangulo ang iba pang inmates na mas karapat-dapat.

Umaasa din si dating Novaliches Bishop Teodoro Bacani na ang Pangulo ay magiging mabait din sa mga Filipino tulad ng mga drug addict, kritiko at aktibista.

Gayunman, naniniwala ang Obispo na ito ay isang magandang desisyon dahil binigyan si Pemberton ng pagkakataon sa buhay.

Ikinadismaya naman ni dating Sorsogon Bishop Arturo Bastes ang naging desisyon ng korte at ng Pangulo.

Sinabi ni Bastes kakatwa na binigyan ng Pangulo si Pemberton ng pardon. Aniya inaasahan sana niyang babawiin ng akusado ang kanyang sintensya sa bilangguan.

Dagdag pa ng Obispo na dapat nating ipakita sa mundo na ang buhay ng bawat Pilipino ay dapat respetuhin.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.