Party-list system, nais alisin ni Pangulong Duterte sa pagsusulong ng cha-cha

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maalis ang party-list system sa bansa kaya nito isinusulong na maamyendahan ang 1987 constitution ng Pilipinas.

Ito ay sa gitna na rin ng mga espekulasyon sa dahilan kung bakit nabubuhay ang usapin ng charter change (cha-cha).

Ayon sa senate president, naganap ang meeting ng ilang senador, congressman, matatas na opisyal ng militar at ni Pangulong Duterte halos dalawang buwan na ang nakararaan.

Giit ni Sotto, sa naturang meeting ay walang nabanggit ang pangulo tungkol sa term limit, term extension o no election.

Mainit lang talaga aniya kay Pangulong Duterte ang isyu sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at naniniwala itong ilang miyembro ng Kamara ay sympathizer o konektado sa rebeldeng grupo kaya naman nais nitong mawala na ang party list system sa bansa.

Bukod sa part- list system, nabanggit rin aniya ng presidente sa naturang pagpupulong ang nais na maamyemdahan ang ilang economic provision sa ating saligang batas.

Sa ngayon, nagpatawag na aniya si Sotto ng pagpupulong ng mga senador para talakayin ang naturang usapin.

Aminado ang senador na hindi pa niya tiyak ang pulso ng mga kasama niya sa mataas na kapulungan tungkol sa panukalang cha-cha lalo’t ang ilan sa mga ito ay may agam-agam dito.

Facebook Comments

1 thought on “Party-list system, nais alisin ni Pangulong Duterte sa pagsusulong ng cha-cha

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.