Pasig River Ferry, alternatibong transportasyon para sa mga commuters

Naniniwala si Senador Sonny Angara na panahon na para muling buhayin ng pamahalaan ang  Pasig River bilang ‘nautical road’ at bilang alternatibo sa bumibigat na daloy ng trapiko sa mga lansangan ng Metro Manila.

Ayon kay Angara, unang dapat gawin dito ng pamahalaan ay ang muling gawing operational ang ferry system sa Pasig River.

Giit ng Senate Finance chairman, hindi sapat ang P74 million pesos na subsidiya ng pamahalaan para sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa pagpapatakbo ng 15-km ferry system.

Dahil dito, sinabi ng senador na handa silang taasan ang pondo ng MMDA kung makakapagpresenta ang ahensya ng programang paglalaanan ng pondo.

Noong kasagsagan ng operasyon ng ferry system isang dekada na ang nakakaraan, bumabiyahe ito ng 15 kilometro sa 15 istasyon mula Maynila hanggang Pasig City.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.