Patas na imbestigasyon sa shooting incident sa pagitan ng PDEA at PNP, tiniyak ni Pangulong Duterte

Ikinalungkot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nangyaring shootout kahapon, sa isang mall sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinagtataka rin ng Pangulo kung sa papaanong nauwi sa sitwasyong iyon ang kapwa tauhan ng pamahalaan.

“The President, of course, expressed both sadness and concern bakit nangyari ito kapwa tao ng gobyerno ay nagkaputukan.” —Secretary Roque.

Sinabi ng kaihilim, na tiniyak ni Pangulong Duterte, ang pagsasagawa ng patas na imbestigasyon sa insidente, at makakamit ang ang hustisya.

“Ang inassure niya ay we will get to the bottom of this incident. Magakakroon po ng impartial investigation at justice will be done.” —Secretary Roque.

Kumpiyansa naman ang Malacañan na sa pamamagitan ng gagawing imbestigasyon ng PNP, PDEA, at National Bureau of Investigation (NBI), malalaman ng lahat ang tunay na nangyari sa likod ng insidenteng ito.

“We are confident that with the PNP and the PDEA forming an investigation panel and Justice Secretary ordering the NBI to conduct its own parallel investigation that we will know the truth behind this incident.” —Secretary Roque.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.