PCINSP Jovie Espinido ibinalik ni Pangulong Duterte sa Ozamiz City

watch the video here:

Ibinalik na ni Philippine Nation Police (PNP) chief director General Oscar Albayalde si Police Chief Inspector Jovie Espenido sa Ozamiz City ayon sa utos ni Pangulong Duterte.

Magugunita na kahapon sa groundbreaking ng Ozamiz Airport Modernization Project, Personal na tinawagan ng Pangulo ang PNP Chief sa harap ng mga taga-Ozamiz City na nakiisa sa groundbreaking ng Ozamiz Airport Modernization Project.

Sa naging pag-uusap ng dalawa ay ipinarinig ni Pangulong Duterte kay Albayalde ang kasagutan ng mga tao ng tanungin niya ang mga ito kung nais ba nilang ibalik ang kontrobersiyal na hepe ng pulis.

Agad naman inilabas ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw ang reassignment order ni CInsp Jovie Espenido, matapos na personal na ipag-utos kagabi ng Pangulong Rodrigo Duterte kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde na ibalik sa Ozamiz si Espenido.

Sa special order number 15606 na pirmado ni Police Director Lyndon Cubos ng Directorate for Personnel and Record Management ng PNP, ni-re-assign si Espenido mula sa PRO-8 patungong PRO-10 epektibo ngayong araw.

pnp

Ayon kay Misamis Occidental Provincial Director Ssupt Manny Hebron, ibabalik si Espenido sa kanyang dating katungkulan bilang Chief of Police ng Ozamiz city.

Binigyang diin ng Chief Executive kay Albayalde na gusto ng mga taga Ozamiz si Espenido dahil alam nilang ligtas sila.

Sa kabilang dako, kasalukuyang nasa Virac, Catanduanes si Espenido na nagsisilbi bilang hepe ng pulisya doon.

Sa ulat, taong 2016 ng maging hepe ng pulisya sa Albuera, Leyte na siyang bumuwag sa illegal drug operations na pinapatakbo ni Kerwin Espinosa na anak ni Mayor Rolando Espinosa.

Sumuko sa kaniya ang alkalde hanggang sa mapatay ito sa Leyte subprovincial jail sa Baybay City noong Nobyembre 5, 2016.

Inilipat si Espenido sa Ozamiz City noong Disyembre 8, 2016 kung saan matapos ang pitong buwan ay napatay si Mayor Reynaldo Parojinog at 14 iba sa isinagawa nilang anti-drug operations doon.

Pinangunahan din ni Espenido ang madugong operasyon sa mga suspected criminal groups sa Ozamiz na ikinasawi ng 9 katao at pagkaaresto ng anim na iba pa na sangkot sa mga serye ng nakawan doon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.