PCOO Usec. Badoy sa mga kongresista ng Makabayan bloc: Hindi ako magre-resign

Hindi magbibitiw sa kanyang puwesto si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy kasunod ng panawagan ng Makabayan bloc sa Kamara na ito’y mag-resign na.

Sa harap ito ng red tagging ni Badoy sa mga miyembro ng Makabayan bloc na ayon kay ACT Representative France Castro ay isang kasinungalingan.

Pero sinabi ni Badoy na hindi niya babawiin ang red tagging sa Makabayan lawmakers na kanyang ipinost sa kanyang Facebook account na dito ay hinikayat pa nga niya na alisin na nito ang kanilang “legislator” title.

Nanindigan si Badoy na may basehan ang kanyang FB post at may pinanghahawakan aniya siya sa kanyang pahayag na hindi kailanman nakabatay sa personal na opinyon.

Buwelta ni Badoy sa mga kongresistang nagpapa-resign sa kanya, “I am serving at the pleasure of the President.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.