PCSO naglabas ng karagdagang P3B para sa COVID-19 response, publiko maaari pa ring humingi ng ayuda sa ahensya

Naglabas ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng mahigit PHP3 bilyon bilang ayuda sa ginagawang pagbaka ng pamahalaan sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Sinabi ni PCSO general manager Royina Garma ngayong araw na ito, Mayo 22, na ginawa ng ahensya ang inisyatiba para mas maagang mailabas ang kanilang “dividend payment” na PHP2.2 bilyon sa Department of Finance nang magamit agad ng pamahalaan sa Covid-19 response.

Alinsunod ito sa Republic Act 7656, “which requires government-owned and controlled corporations (GOCCs) to declare dividends under certain conditions to the national government, and for other purposes”.

“It’s crucial that we all work together with other government agencies to help minimize the negative impact of the pandemic on health systems, social services as well as economic activities,” ayon kay Garma sa isang pahayag.

Aminado ang opisyal na walang kinikita ang PCSO sa nakalipas na dalawang buwan dahil sa suspensyon ng mga laro, pero hindi aniya ito dahilan para ihinto nila ang ayuda sa gobyerno at sa publiko.

“That is why when this is all over, I am calling on the public to donate to PCSO by continuously playing Lotto, STL, Keno, Sweepstakes, Scratch-it games,” pahayag pa niya.

Bukod sa mga naipagkaloob na tulong pinansyal simula noong Marso, ang PCSO ay nagpapahiram din ng kanilang mga sasakyan para sa front-liners na nagtatrabaho sa may Ortigas area. Ang isa nilang ambulansya ay ipinahiram din sa quarantine station sa World Trade Center sa Pasay City para sa Covid-19 patients.

“The agency, adhering and complying to the Bayanihan to Heal as One Act, emphasizes and strengthens this auxiliary role especially in providing healthcare to Filipinos, bearing a part of the weight and augmenting government efforts in these strained and challenging times,” ayon pa kay Garma.

Para sa mga kababayan natin na nais humingi ng tulong sa PCSO, naririto ang kanilang hotline numbers: 0917-880-7150/ 0927-313-9380 (Globe); 0919-068-3699/0949-031-0843 (Smart). Matatawagan sila mula Lunes hanggang Biyernes, 8 a.m. hanggang 5 p.m.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.