PDDS, hinihimok si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa pagka-Pangulo

Hinimok ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa pagka-Pangulo sa halalan 2022.

Sa ginanap na webinar ng partido sinabi ni PDDS President Dr. Greport Butch Belgica na patuloy na hinihimok ng partido na tumakbo si Mayor Sara Duterte at payag na ipa-substitute ang kanilang pambato upang makatakbo ang alkalde sa pagka-Pangulo. Tiniyak ni Belgica na susuportahan aniya ng kanilang grupo at iba kang kaalyadong grupo si Mayor Sara kung sakaling magdesisyon itong tumakbo.

Sakali man aniya na hindi tumakbo si Mayor Sara ay umaasa ang partido na mamimili si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kayang pumalit sa posisyon gaya aniya ni Senador Bong Go na kasalukuyang tumatakbo bilang bise presidente.

Tiniyak naman ng PDDS anuman ang maging desisyon ng mag-amang Duterte ay patuloy nitong isusulong ang pederalismo, kampanya kontra droga, korapsyon, at rebelyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.