PDEA at BOC, nasabat ang P1.8B halaga ng shabu nagmula sa bansang Vietnam

watch the video here:

Nasa P1.8 bilyong halaga umano ng iligal na droga ang nakumpiska sa Manila International Container Port (MICP) nitong Biyernes.

Ayon kay PDEA chief Director General Aaron Aquino, ang Golden Triangle international drug syndicate ang nagpasok ng nakumpiskang ilegal na droga sa bansa.

“Actually, hindi Chinese triad ito eh. It’s the Golden Triangle drug syndicate,” paglilinaw ni Aquino.

Una nang sinabi ng pinuno ng PDEA sa inisyal na imbestigasyon na ang Chinese drug triad ang nasa likod ng illegal drug shipment.

Bukod pa sa pinakabagong nasabat na malaking halaga ng shabu, ang Golden Triangle syndicate rin ang itinuturong nasa likod ng P1.9 bilyong halaga ng shabu na nasabat sa Tanza, Cavite at sa P1.1 bilyong halaga ng ilegal na droga sa  Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City.

Nasabi ito ni Aquino gayong magkakapareho umano ang packaging ng nakumpiskang droga sa tatlong magkakahiwalay na operasyon.

“Ang pagkakahalintulad lang sa latest ay naka-wrap siya sa Chinese tea wrapper. Although iba ang itsura, almost the same ang pagkakalagay. Parang tsaa lang tapos itinago sa mga sako. ‘Yun ang ginagawa nila,” ani Aquino.

Binigyang diin ni Aquino na ang Golden Triangle ang pinakanotoryus at pinakamakapangyarihang drug syndicate na nag-ooperate sa Asya.

“Umaabot na sa Europe at sa US ang pag-smuggle ng drugs,” ani Aquino.

Tatlong basa ang iniuugnay sa Golden Triangle: Laos, Myanmar, at Thailand, dagdag pa ng PDEA chief.

Magugunita na noong Biyernes, naharang sa Bureau of Customs-Manila International Container Port (MICP) ang halos 300 kilo ng hinihinalang shabu na laman ng kargamentong mula sa Vietnam.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.