PDEA Dir. Aquino “di kukunsintihin” ang mga nahuling PDEA agent na nakunan ng mga armas, baril sa Laguna

Tiniyak ni Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA) Director General Aaron Aquino na pananagutin sa batas at masisibak sa puwesto ang sinumang PDEA agents na mahuhuling gumagawa ng katiwalian sa kanilang tungkulin.

Naglabas ng pahayag si Aquino, kasunod ng pagkaaresto sa isang PDEA agent na si Richard Gaufo sa Laguna na nag-iingat ng mga baril at nakitaan pa ng 10 gramo ng umanoy shabu.

Dinakip ng pulisya ang PDEA agent sa bisa ng search warrant dahil sa paglabag sa RA 10591 o pag-iingat ng mga illegal firearms at mga bala.

Sinabi pa ni Aquino na patunay din ito na maging sa PDEA ay mayroon ding mga law enforcers na gumagawa ng katiwalian.

Gayunman, pagtiyak pa ng PDEA na patuloy silang makikipagtulungan at susuporta sa PNP sa kampanya laban sa illegal drugs.

Nangako din ito na mas hihigpitan pa ang kanilang internal cleansing upang tuluyan nang matanggal ang mga tiwaling employees.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.