PDEA may panawagan sa publiko, I-report ang iligal na aktibidad ng droga sa pamamagitan ng hotline, FB page

Sinama ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang social media platform upang palawakin ang pag-abot sa posibleng impormasyon tungkol sa iligal na aktibidad sa droga sa bansa.

Sa pahayag nitong Miyerkoles, sinabi ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na binuo ang Facebook page na “Isumbong mo kay Wilkins” upang magkaroon ng mas accessible na venue para sa mga impormante at concerned citizens upang i-report ang iligal na aktibidad ng droga.

Samantala, maaari namang maabot ang 24/7 call at text hotlines ng PDEA sa pamamagitan ng 09953547020 para sa Globe subscribers at 09310278212 para sa Smart subscribers.

Siniguro ni Villanueva sa publiko na magiging confidential ang bawat impormasyon at sinabi niyang nais niya na ang publiko ay maging “more involved in the fight against illegal drugs.”

“Rest assured that all received information will be treated with the utmost confidentiality. Send reliable information and help us end the drug menace,” aniya.

Dagdag pa ni Villanueva, ang pagre-report ng mga mamamayan ay maaaring magresulta sa “conduct of intelligence operations, and casing and surveillance operations, resulting in the arrest of high-value targeted personalities, seizure of sizeable amounts of illegal drugs, and dismantling of illegal drug facilities.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.