Peace talks sa pagitan ng rebeldeng grupo at ng gobyerno, malabong mangyari – Esperon

Pinabulaanan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang napabalitang inaayos ang pagpapatuloy ng peace talks o usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines.

Ayon kay Esperon, na nagsisilbi ring vice chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nabigla sila sa naturang ulat.

Binigyang-diin ni Esperon na malinaw ang ginawang deklarasyon ng ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga ‘teroristang organisasyon’ ang Communist Party of the Philippines at ang armadong grupo nito na New People’s Army.

Dahil dito, mahirap aniya na magkakaroong muli ng peace talks.

Bukod dito, tahasang sinabi ni Esperon na kung magbibigay man siya ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte kasama ang mga miyembro ng gabinete, ay iisa aniya ang kanilang magiging rekomendasyon – at ito ay ang pagpapatuloy ng NTF-ELCAC sa ginagawa nito ngayon laban sa rebeldeng komunistang grupo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.