People’s initiative para sa paggawad ng ABS-CBN franchise, ipauubaya sa Korte – Palasyo

Sa korte na lang dapat idulog at ipaubaya ang ano mang interpretasyon hinggil sa paggamit ng mekanismo ng people’s initiative, bilang panibagong hakbang sa posibilidad na makuha ng ABS-CBN ang hinihingi nitong franchise.

Ito ang sinabi ng Palasyo sa harap ng umano ay diskusyon ngayong nagaganap sa naturang isyu.

Sinabi ni Presidential spokespersom Atty Harry Roque, na kung itinatakda man ng RA 6735 o ang “Initiative and Referendum Act,” na maaaring makuha ang prangkisa sa pamamagitan ng people’s initiative, may mababasa din naman sa kabilang banda na sa Kongreso dapat na magmula ang franchise ng isang nag-aaplay na broadcasting company.

Ito ayon kay Roque ang nakasaad sa R.A. 7925 , Article 6 , Section 24.

Kaya ang pinakamaigi sabi ni Roque, iwanan na lamang sa Korte Suprema ang pagpapasiya sakali mang tuluyan ng uminit ang isyu.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.