Performance at Trust rating ni Pres. Duterte, nananatiling mataas

Nagpaabot ng pasasalamat ang Malacañang sa publiko kaugnay ng patuloy na suporta at pagtitiwala kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito ng nananatiling mataas na Performance rating ng Punong Ehekutibo na nasa 64% at 63% Trust rating base na din sa isinagawang latest survey ng Pulse Asia.

Patunay lamang ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi isang lameduck President ang Pangulo na ilang buwan na lamang ang nalalabi sa kanyang termino.

Asahan ani Roque na patuloy na magtatrabaho ang Pangulo ng buong husay, buong tapang, at buong dedikasyon para sa muling pag-ahon mula sa pandemya.

Aminado ang Palasyo na may bahagyang pagbaba sa performance at trust rating subalit mataas pa rin aniya ito para sa isang Pangulo na nasa huling bahagi na ng kanyang panunungkulan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.