Permanenteng istraktura sa WPS, dapat na ring itayo ng Pilipinas — AFP Chief

Dapat na ring magtayo ng permanenteng istraktura sa West Philippine Sea (WPS) ang Pilipinas katulad ng ginawa ng China.

Ito ang nakikitang paraan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Cirilito Sobejana para mapalakas ang posisyon ng Pilipinas sa pinag-aagawang karagatan.

Paliwanag ni Sobejana, kaya lang hindi naglalagay ng permanenteng istasyon ang Pilipinas sa iba pang mga isla bukod sa Pag-asa Island, ay dahil may kasunduan noon ang mga bansang may mga “claims” sa karagatan na paiiralin ang “status quo”.

Ang ibig sabihin ay walang mga bagong istrakturang itatayo sa lugar maliban sa pagsasaayos ng mga nakatayo na.

Pero dahil lumabag na sa kasunduang ito ang China, dapat na ring aniyang ikonsidera ng National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) na tapatan ang aksyon ng China.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.