PH Ambassador to Brazil Marichu Mauro, Pinadalhan na ng show cause order ng DFA

Pinadalhan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng show cause order si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro kaugnay sa umano’y pananakit at pangmamaltrato nito sa kasambahay na Pilipino rin na nakunan sa video.

Sa isang pagdinig sa Kamara ay sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo Malaya na ipinadala ang naturang show cause order nitong October 28 kay Mauro upang pagpaliwanagin ito sa isyu.

Mismong ang DFA na rin aniya nag nag-initiate na maghain ng reklamo para makapagsimula ng preliminary investigation.

Inaasahan din ani Malaya na uuwi ng Pilipinas si Mauro kasunod ng atas ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Tiniyak din ni Malaya sa Committee on Overseas Workers Affairs na patuloy naman silang nagsasagawa ng mga seminar sa kanilang mga ambassador at iba pang foreign service personnel upang mapanatili hindi lang ang kanilang professionalism, maging ang kanilang integridad.

Dagdag pa nito na sa nakalipas sa dalawang taon ay hindi bababa sa pitong foreign service personnel ang na-dismiss sa pwesto dahil sa kinasangkutang anomalya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.