PH arbitral victory, tatalakayin na sa one-on-one meeting ni PRRD at Pres Xi Jinping

Panahon na upang talakayin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte 2016 arbitral victory na binalewala ng China na may kinalaman sa maritime claims sa West Philippine Sea.

watch the video here:

Gagamitin ng Pangulo ang kanyang nakatakdang working visit sa China sa katapusan ng Agosto.

“The time has come” para igiit ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea.

“There will be a time that I will invoke the arbitral ruling. This is the time,” ito ang sinabi ni Pangulong Duterte ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Ang dahilan ng Pangulo ayon kay Sec. Panelo ay dahil sa matatapos na kasi ang termino nito kaya’t nagdesisyon na igiit ang 60-40 hatian sa sa magiging bunga ng isasagawang joint exploration sa West Philippine Sea.

Ang usapin ay tatalakayin sa one-on-one meeting sa pagitan nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Bukod sa usapin ng arbitral ruling ay kasama rin sa pag-uusapan ng dalawang lider ang boat sinking incident sa Recto Bank noong Hunyo 9.

Napaulat na naghain pa ang Pilipinas ng diplomatic protest sa China at nagpahayag na dapat lamang na mapatawan ng kaparusahan ang mga Chinese crew na nag-abandona sa 22 Filipinong mangingisda hanggang sa dumating ang Vietnamese fishing vessel para iligtas sila.

Matatandaang, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin dahil hindi pinapayagan ng Saligang Batas ang 50-50 na hatian sa pakikipagsosyo ng Pilipinas sa ibang bansa.

Iginiit ni Locsin na kapag natuloy ang plano, dapat ay maintindihan ng China na dapat ang umiral at kailangan nilang sundin ay ang batas ng Pilipinas.

“When the working group gets into it, they will understand that they must operate on the Philippine side, within Philippine law— 60-40. On the Chinese side, they will also understand that Philippine side needs to proceed on the basis of Philippine law,” sabi ni Locsin sa isang panayam sa telebisyon.

Aniya, nakasaad sa Saligang Batas na hanggang 40 porsiyento lang ang maaaring maging pag-aari ng isang banyaga sa isang negosyo sa Pilipinas.

Magugunitang, tatlong taon na ang nakalilipas mula nang mapanalunan noong Hulyo 12, 2016 ng Pilipinas ang makasaysayang arbitration case nito kontra sa dambuhalang China sa United Nations-backed Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Hague, Netherlands.

Pumanig ang PCA sa Pilipinas at base sa kanilang hatol, eksklusibo sa bansa ang lahat ng yamang-dagat na matatagpuan sa West Philippine Sea.

Ibinasura din nila ang hirit ng Beijing na ito ang may-ari ng aabot sa 90 porsiyento ng South China Sea sa ilalim ng umano’y “9-dash line.”

Lumabas ang hatol sa pagpasok ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, at simula noon ay nag-iba ang ihip ng hangin at tila naging mas mabait pa ang gobyerno ng Pilipinas sa China.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.