PH Army inirekomenda ang muling pagdeklara ng batas militar sa Mindanao sanhi ng pagsabog sa Jolo, Sulu

Irerekomenda ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang muling pagdedeklara ng batas militar sa Mindanao sanhi ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kahapon.

Ayon kay Sobejana, ang rekomendasyon ay kanyang iaakyat kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Gilbert Gapay, at Defense Secretary Delfin Lorenzana para maiparating sa Pangulong Duterte.

Paliwanag ni Sobejana, nang unang magdeklara ng Martial Law ang Pangulo sa Mindanao ay naging maayos ang peace and order situation partikular sa lalawigan ng Sulu.

Dahil dito, ang mismong mga taga-Sulu na ang nais na maibalik ang batas militar.

Sa ngayon aniya ay nagdeklara ng total lockdown ang pinuno ng Jolo at walang makakapasok o makakalabas ng munisipyo.

Sinisikap aniya ng militar sa tulong ng iba’t ibang stakeholders na maibalik sa normal ang sitwasyon sa Jolo pagkatapos ng pambobomba na ikinasawi ng hindi bababa sa 15 katao at ikinasugat ng mahigit 75.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.