PH Navy, bibigyan ng proteksyon ang mga oil exploration ships ng Pilipinas sa WPS

Tiniyak ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Giovani Carlo Bacordo na handa ang Philippine Navy na bigyan ng proteksyon ang mga oil exploration ships ng Pilipinas Sa West Philippine Sea (WPS).

Ito’y matapos na pahintulutan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagsasagawa ng oil exploration activities sa pinag-aagawang karagatan.

Ayon kay Bacordo, tuloy-tuloy ang maritime at air patrols sa karagatang sakop ng exclusive economic zone ng bansa.

Patuloy din aniya ang improvement ng monitoring facilities sa naturang karagatan para mas mabilis ang pagresponde sa mga barkong nagsasagawa ng exploration at survey sa karagatan.

Sinabi rin ni Bacordo na i-cha-challenge ng Philippine Navy ang mga Chinese vessels o alinmang foreign vessel na kanilang makakasalubong sa karagatan.

Nilinaw ni Bacordo na ito ay standard operating procedure na nakapaloob sa ‘code for unplanned encounters at sea’ para sa lahat ng mga gray ships na nagkakatagpo sa karagatan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.