PH Peso, maipapalit na nang diretso sa Chinese Yuan sa ilalim ng MOU

Tungkol sa foreign exchange trading ang isa sa maituturing na magagandang napagkasunduan ng Pilipinas at ng China sa naging state visit ni Chinese President Xi Jinping.

Ipinaliwanag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, na sa ilalim ng Memorandum of Understanding (MOU) na may kinalaman sa foreign exchange trading, maaari nang direktang i-convert ang Peso sa Yuan.

Ibig sabihin, hindi na kailangang ipalit sa US dollar ang Peso bago makapagpapalit ng Yuan, dahil walang letter of rejection.

Sinabi ni Andanar na kung tayo ay pupunta ng China, maaari nang maipapalit ang bitbit na Peso direkta sa Yuan nang hindi dadaaan sa conversion sa US dollar.

Ganito rin ayon sa kalihim ang maaaring gawin ng Chinese nationals, na kapag pumunta dito sa Pilipinas ay direkta na ding makapagpapapalit ng kanilang Yuan sa Peso.

 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.