PH sa US, nagpasalamat sa mga ventilators at iba pang medical supplies na ipinadala nito vs COVID-19

Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos para sa mga ventilators at medical supplies na una na nitong ipinadala sa Pilipinas laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, laman ito ng talumpati ng pangulo para sa US-ASEAN Summit na binasa ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., kaninang umaga.

Ayon sa kalihim, hinikayat rin ng pangulo ang US na makibahagi at mag-contribute rin sa COVID-19 ASEAN Response Fund, ASEAN Regional Reserve of Medical Supplies at ASEAN Center for Public Health Emergencies and Emerging Diseases.

Kaugnay nito, hinikayat rin ni Pangulong Duterte ang mga miyembro ng ASEAN at US na ipagpatuloy pa ang mga inisyatibo ng ASEAN-US Strategic Partnership para sa regional growth, kung saan magkabilang panig ang nagbi-benepisyo mula sa pinalakas na kalakalan at pamumuhunan, at maging sa kooperasyon sa digital economy and innovation.

Samantala, sa kaparehong talumpati, binigyang diin ng Pangulo ang posisyon ng Pilipinas para sa mapayapang resolusyon sa mga usapin sa South China Sea (SCS).

“On the South China Sea, the Chief Executive underscored that the Philippines is for the peaceful resolution of disputes in accordance with international law stressing there is no other viable path but honest negotiations and sincere diplomacy.” ayon kay Secretary Roque.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.