Philhealth Chief Gierran, pinagbibitiw na sa pwesto ang mga senior executive ng PhilHealth

Pinagbibitiw ngayon sa pwesto ni PhilHealth President at CEO Dante Gierran ang mga senior executive ng ahensiya.

Ito ang ibinunyag ni Presidential Spokespersonn Harry Roque.

Ani Roque, ito ang pinakamabilis na paraan para muling ma-organisa ni Gierran ang PhilHealth.

Dagdag pa ni Roque, suportado ng Palasyo ang inisyatibong ito ni Atty. Gierran at tiwalang may sapat itong impormasyon na gagabay dito kung kaninong resignation ang tatanggapin.

Matatandaan na inirekomenda ng senate panel noong Setyembre ang paghahain ng kasong kriminal laban kay Health Secretary Francisco Duque III, ang chairman ng PhilHealth board at sa iilang dati at kasalukuyang opisyal ng ahensiya na sangkot sa mga anomalya.

Ayon sa mga whistleblower, tinatayang nasa P15 bilyong pondo ang umano’y naibulsa ng ilang opisyal ng state ensurer at pag-apruba sa overpriced na mga proyekto at paglalabas ng pera para sa mga pinaborang ospital.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.