Chief Ricardo Morales at VP ng Philhealth , nagsumite ng medical certificate, di makadadalo sa Senate Hearing

Ipinaalam nila Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) chief Ricardo Morales at executive vice president Arnel De Jesus ang kanilang kondisyon sa kalusugan sa Senado sa gitna ng patuloy na imbestigasyon sa mga iregularidad sa naturang ahensya sa susunod na linggo.

Sa ulat, nagpadala ang oncologist ni Morales ng medical certificate sa Senate Committee of the Whole kagabi, August 7 na isasailalim ito sa chemotherapy dahil sa lymphoma.

Sinabi rin na pinapag-leave of absence si Morales ng kanyang doktor.

Samantala, nagpadala naman si De Jesus ng paalam kay Senate President Vicente Sotto III na hindi siya makadadalo sa pagdinig dahil sa “unforeseen medical emergency.”

Na-diagnose ang opisyal ng acute coronary syndrome, hypertensive heart disease, at diabetes type 2.

Nakatakda rin itong isailalim sa angiogram, angioplasty, at pulse generator replacement.

Bukas naman si Sotto na hayaang makadalo si Morales sa pagdinig via teleconference.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.