Philhealth President Ricardo Morales, nakiusap na tulungan ang ahensya na makabangon mula sa mga isyu ng korapsyon

Nanawagan si Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) President and CEO Ricardo Morales ng tulong sa pagharap sa mga diumano’y anomalya sa ahensya.

Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, iginiit ni Morales na tulong ang kailangan ng ahensya at hindi ang pagtulungan ito.

Aniya, sa kabila ng pagharap ng mga opsiyal nito sa mga negative publicity ay patuloy pa rin sila sa pagtatrabaho upang malinis ang ahensya.

Una nang sinabi ni morales na umabot sa 10.2 billion pesos ang nawala sa Philhealth noong 2019 dahil sa mga maanomalyang transaksyon.

Maaari pa aniya itong sumipa sa 18 billion pesos pagdating ng susunod na taon, kung hindi pa maaayos ang sistema sa loob ng ahensya.

Nabanggit pa ng Philhealth President ang isang pag-aaral noong December 2019, na nagsasabing nasa 7.5 percent ang fraud index rate ng ahensya, habang ang global average rate ay nasa 10 to 20 percent.

Isa nga sa mga nirerekomendang solusyon ni morales sa problemang ito ay ang pagkakaroon ng maayos at matibay na information management system.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.