Philippine Air Force, bibili pa ng karagdagang 16 na blackhawk helicopters

Malaki ang posibilidad na makabili pa ang Pilipinas ng karagdagang 16 na Sikorsky Blackhawk helicopters para sa Philippine Air Force.

Ito ang sinabi ni Defense Secratary Delfin Lorenzana matapos bendisyunan kahapon sa Clark Airbase Pampanga ang unang 6 sa 16 na Blackhawk helicopters na binili ng Pilipinas mula sa Poland.

Ang nalalabing 10 chopper ay inaasahang darating sa bansa Sa susunod na taon.

Sinabi ng kalihim na may pondo pa para sa karagdagang choppers na kukunin mula sa iba’t ibang manufacturers.

Pero gusto aniya ni Philippine Air Force Commanding Gen. Lt. Gen. Allen Paredes na kumuha nalang ng karagdagang 16 na Sikorsky S70i Blackhawk para mas madali ang pag-maintain at pagsasanay sa iisang modelo lang.

Ipinagmalaki naman ni Lorenzana na nakamura ang Pilipinas sa Sikorsky Choppers na ipinalit sa na-kanselang plano na kumuha ng Bell 412 helicopters.

Pinakabagong modelo aniya ang S70i Blackhawk na mas malakas, mas mabigat ang kayang dalhin, at mas malayo ang range, na nakuha pa ng Pilipinas sa presyo ng mas-murang Bell helicopter.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.