Philippine Navy palalakasin pa ang pwersa sa Palawan area

Sa kabila ng presensya ng Chinese vessels sa West Philippine Sea, sinabi ni Navy chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, Martes, na patuloy ang kanilang gagawing pagpapalakas ng pwersa sa Palawan.

“Tuloy-tuloy po (ito). Iyong huli po naming direktiba mula sa national headquarters ay lalo pang palakasin ang mga pwersa sa karagatan natin dito sa Palawan area, sa Western Command Area,” ani Bacordo sa Laging Handa briefing.

Ayon pa kay Bacardo na tinitignan nila ang pagpapadala ng mas maraming barko ng Pilipinas sa nasabing katubigan.

“Ang aming short term goal is to deploy more ships… Napakaraming demand for more deployment of naval assets all around the country. Kaya pinapabilis ang turn-around time dahil ‘di posible na laging 100 percent na nandoon ang barko natin. Kailangan ibalik sa yarda para palakasin lalo,” aniya pa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.