Philippine Travel Survey: 77% ng mga Pinoy, nais bumiyahe sa bansa sa oras na maalis ang restriction

Umabot sa 77 porsyento ng mga Pinoy ang nagsabing “willing” ang mga ito na bumiyahe sa bansa sa oras na alisin na ang restriksyon.

Inilabas ng Department of Tourism ang report na tinatawag na “Philippine Travel Survey: Insights on Filipino Travel Behavior Post-COVID 19” sa isang webinar nitong Lunes, Hunyo 29.

Isinagawa nitong Mayo ang survey sa 12,000 respondents sa Pilipinas, kung saan sinasabing nais ng mga Pinoy na bumiyahe nang mas malapit sa tahanan.

Nasa listahan ang Boracay, Siargao, at Baguio ng mga top destination na bibisitahin kapag pinayagan na ang pagbiyahe.

Bukod sa lapit ng destinasyon, isa pa rin sa pangunahing prayoridad ng mga respondent ang kalusugan at kaligtasan ng mga biyahero.

Karamihan sa respondents ang nagsabing nais nito ang mga aktibidad na may limitadong face-to-face interaction.

Kabilang ang beach trips (69 porsyento), road trips (54 porsyento), at staycations (41 porsyento) sa top travel activities na nasa isip ng mga respondent.

Nakasaad ding mas kakaunti ang nagsasabing nais ng mga ito bumiyahe dahil sa mababang kita.

Ayon sa insights, sinabi ng DOT na “domestic leisure travel will lead the recovery of Philippine tourism.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.