Pilipinas hindi aangkat ng karneng baboy mula sa China

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) noong Hunyo 30 na hindi aangkat ang Pilipinas ng karneng baboy at mga katulad na produkto sa China.

Ginawa ni DA Assistant Secretary Noel Reyes ang pahayag matapos mapaulat na natuklasan ng Chinese researchers ang bagong uri ng swine flu na maaaring pagmulan ng pandemic.

Ayon sa pag-aaral, ang virus na pinangalanang G4 ay galing sa H1N1 strain na naging sanhi ng global outbreak noong 2009.

“Ina-assure po ng DA, through the BAI (Bureau of Animal Industry), na tayo po ay wala pa nito at hindi po tayo nag-i-import ng baboy at pork products from China. Hindi pa po pwede,” ayon kay Reyes sa ginanap na virtual briefing.

Paalala ni Reyes sa publiko kung mababalitaan na nangangamatay ang mga baboy sa kanilang lugar, “Reports on flu-like symptoms have been increasing this rainy season and this could affect both the agricultural workers and our swine production. Ipatawag n’yo po sa nearest government office n’yo d’yan sa ating mga munisipyo at i-consult ho ang physician doon sa mga veterinary offices.”

Hinikayat na rin aniya ng DA ang local swine farm owners na kumonsulta sa licensed veterinarian para marebisa ang kanilang farm biosafety and biosecurity programs.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.