Pilipinas, makakabayad ng utang sa kabila ng health crisis -BSP

Pinawi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang posibilidad na malubog sa utang ang Pilipinas bunsod ng krisis sa COVID-19.

Ayon kay BSP Governor  Benjamin Diokno, maraming dollar reserves ang bansa kaya’t may kakayahang makabayad ng utang ang  gobyerno sa mga foreign financial institution.

Bagamat halos lahat ng bansa  ay pinadapa ng COVID pandemic sa aspeto ng ekonomiya, sinabi ni Diokno na maayos pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas dahil hindi bumababa ang halaga ng piso.

Pagbibigay diin ni Diokno, maganda ang ekonomiya at halos nasa $100 billion US dollars ang Gross International Reserves.

Ipinagmalaki ng BSP governor na ang piso ang pinakamatatag na currency ngayon sa Asya at pangalawa sa buong mundo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.