Pilipinas, nagtala ng mas mataas na bilang ng turista noong 2018

Nahigitan pa ng pamahalaan ang target na bilang ng mga turistang dumayo sa bansa noong isang taon.

Ito ang ipinagmalaki ng Palasyo ng Malacañang, sa kabila ng ginawang pansamantalang pagsasara ng Boracay island dahil sa ginawang rehabilitasyon dito na umabot ng anim na buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pumalo sa pito punto isang milyon ang naging tourist arrival sa bansa.

Numero uno sa pinakamaraming mga dayuhang bumisita sa Pilipinas ang mga Koreano, na sinundan naman ng mga taga China.

Isa rin ang mga Amerikano sa maraming dumayo sa Pilipinas, at naka-ambag sa pagpalo ng mataas na tourist arrival ng bansa nuong isang taon.

Batay naman sa datos nuong 2017, 6.6 million tourist arrivals ang naitala, na labing isang porsiyentong mataas kumpara naman nuong 2016.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.