Pilipinas, nakaiwas sa daan-libong kaso ng COVID-19, dahil sa mga aksyon nito vs pandemya — WHO

Pinuri ng World Health Organization (WHO) ang mga ginawang mga hakbang ng Pilipinas laban sa COVID-19 pandemic.

Sa panayam sa programang Public Briefing sinabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang Officer-in-Charge at Acting WHO Representative sa Pilipinas na maganda ang mga ginawang hakbangin ng Pilipinas kumpara sa karamihan ng bansa na tinamaan din ng pandemic.

Ilan sa hakbangin na malaki ang naitulong sa bansa ayon kay Dr. Abeyesing ay ang maagang pagpapatupad ng Pilipinas ng lockdown kung saan daan-libong kaso ng COVID-19 ang naiwasan.

Pero sa kabila nito ay binalaan din ni Abeyesing ang Pilipinas sa patuloy naman na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID sa bansa kasabay ng pag-relax ng quarantine dito.

Bagamat maganda aniya ang ginagawang hakbang ng Department of Health ay kailangan pa ring maging maingat at maging maayos partikular na sa implementasyon ng mga health guidlines ng mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.