Pilipinas, nakikipagnegosasyon na para sa 20-40M Pfizer vaccine

Nakikipagnegosasyon na ang Pilipinas para sa 20 hanggang 40 milyong doses ng COVID-19 vaccine ng Pfizer ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Bukod dito, sinabi ni Galvez na nasa 194,000 dosis ng COVID-19 vaccine ng Moderna ang inaasahang darating sa bansa sa Mayo.

Ayon din sa vaccine czar, ibibigay ng Estados Unidos ang ilan nitong sobrang bakuna sa kanilang mga kaalyadong bansa sakaling matapos na ang kanilang pagbabakuna sa kanilang mga mamamayan.

Samantala, plano ng gobyerno na i-convert ang mga stadium at coliseums bilang mega COVID-19 vaccinations sites.

Ayon kay Galvez, ito ay para maaaring maka-accommodate ng 10,000 vaccine recipients kada araw.

Ani Galvez, sa ngayon ay gumagamit lamang ang gobyerno ng medium-sized at “third-class” vaccination sites sa kanilang inoculation drive.

Paliwanag ng kalihim, sa medium-sized sites ay nasa 5,000 hanggang 6,000 vaccination lamang ang maaring matapos kada araw.

Una nang sinabi ni Galvez na target ng gobyerno na mabakunahan ang isang milyong Pilipino kada linggo sa Abril o Mayo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.