Pilipinas, umakyat sa ika-50th Most Innovative na bansa ngayong 2020

Umakyat sa ika-50 pwesto ang Pilipinas bilang isa sa 131 mga bansa sa buong mundo na tinaguriang Most Innovative ng Global Innovation Index (GII) ngayong 2020.

Noong 2019, ang Pilipinas ay nasa ika-54 na pwesto.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña na ang Pilipinas, tulad ng China, Vietnam, at India ay nagpamalas ng pinakamakabuluhang progreso sa Global Innovation Index ranking sa itinakdang panahon.

Matatandaan na una na ring sinabi ng kalihim na ang ranking na ito ng Pilipinas ay nagpapakita lamang na ang stratehiya ng bansa na paglalagay sa inobasyon bilang sentro ng policy-making initiatives ay nagpatatag lamang sa kapasidad ng Pilipinas sa gitna ng mga pagbabago.

Sinabi ng kalihim na kahit nasa gitna ng COVID-19 pandemic ang bansa, naipakita ng Pilipinas na ang inobasyon ay susi para sa survival at success sa bagong kapaligiran.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.