Pinako-contempt si Major Rodney Baloyo dahil sa patuloy na pagsisinungaling sa pagdinig

Pinapacontempt ng mga senador si Major Rodney Baloyo, ang team leader ng kinuwestiyong anti-drug operation ng Pampanga police noong 2013.

Si Senador Panfilo Lacson ang naghain ng mosyon upang i-contempt si Baloyo matapos usisain ng senador ang detalye ng kanilang operasyon.

Giit ni Lacson, halata na ang paulit-ulit na pagsisinungaling ni Baloyo.

Malabo na kasi aniya ang isinasagot nito sa kanyang pagtatanong partikular sa detalye ng timeline at pagkakasunod-sunod ng mga nangyari sa November 2013 Woodbridge subdivision operation ng kanilang grupo.

Halata rin aniyang nagsisinungaling ang pulis nang sabihin nitong wala silang narekober na pera sa operasyon, gayong base sa lumabas na media reports, na suportado ng video materials, ay may perang narekober.

Ilang beses binigyan ng pagkakataon ng mga senador na linawin at ayusin ni Baloyo ang kanyang mga pahayag.

Patuloy na paalala ng mga senador, under oath siya sa pagdinig kaya’t dapat ay pawang katotohanan lamang ang sabihin niya.

Nang panindigan pa rin nito ang kanyang mga testimonya, pina-contempt na ang pulis.

Iminungkahi pa ni Senator Richard Gordon na sa Pasay City jail o sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa ito makulong.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.