Plano ng kampo ni Velasco na sesyon at botohan sa October 14, iligal

Iligal ang binabalak na pag-reconvene ng kampo ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco upang matuloy ang botohan sa Speakership sa October 14.

Paliwanag ni Deputy Speaker Neptali Gonzales II, malabo na magkaroon ng botohan sa speakership post dahil suspindido ang sesyon ng Mababang Kapulungan at sarado na ang plenaryo hanggang sa November 16.

Kinakailangan kasi na isagawa sa plenaryo ang paghalal ng Speaker.

Bukod dito ay kailangan din ng majority vote upang ideklarang bakante ang speakership post gayundin ay kailangan ng mayorya ng boto para naman maihalal ang susunod na speaker.

Paniwala ni Gonzales, gumagawa na lamang ng media hype ang grupo ni Velasco para sabihin na mayroon silang numero kahit wala naman.

Dagdag pa ng mambabatas na nakahanda umano silang harapin ang kampo ni Velasco sa isang parliamentary warfare.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.