Pneumonia vaccine, planong gawin sa mga lolo, lola sa Quezon City

Magsasagawa ng Oplan Bakuna para sa pnuemonia ang pamahalaang lungsod ng Quezon para sa senior citizens.

Layon nitong paigtingin ang immune system ng mga lolo at lola bilang pangontra sa corona virus desease (COVID-19).

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, inatasan niya ang City Health Department na simulan ang pnuemonia vaccine sa mga bahay-bahay para sa mga matatanda.

Ngayong araw agad gagawin ang pagbabakuna kung saan mismong mga health staff ng Quezon City ang magtutungo sa mga barangay.

Paliwanag ng alkalde, may sapat na bakuna ang City Health Department para sa mga nakatatanda.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.