PNoy, dapat ipaliwanag ang pagkawala ng Scarborough Shoal- Pastor Quiboloy

Kinuwestyon ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ kung papaano maipapaliwanag ni dating pangulong Noynoy Aquino ang papel nito sa usapin sa West Philippine Sea (WPS) kung hindi dadalo sa pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang dating mga presidente.

Inihayag ni Pastor Apollo, dapat magkaroon ng willingness si dating Pangulong Aquino na daluhan ang posibleng pagpupulong sa malakanyang upang maliwanagan ang lahat patungkol sa isyu ng West Philippine Sea.

Tanong ng butihing pastor, “So, paanong maipapaliwanag niya (PNoy) ang role niya sa pagkawala ng Scarborough Shoal?”

Una rito, kinokonsidera ni Pangulong Duterte ang pakikipagpulong sa mga dating Presidente ng bansa upang tutukan ang mga usaping may kinalaman sa mga claim sa West Philippine Sea.

Ito ay batay sa anunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang pulong balitaan noong nakaraang linggo.

Kasunod ng anunsyo patungkol sa naturang meeting, inihayag ng isang source na hindi makadadalo si dating Pangulong Aquino dahil sa ilang kadahilanan na hindi maaring isapubliko.

Maliban dito, wala ring natanggap ang kampo ni Aquino na pormal na imbitasyon mula sa Malakanyang na may kaugnayan sa gagawing meeting.

Tugon naman ni Pastor Apollo sa usaping ito, “Yung sinabi ng ating Pangulo na gusto niyang makausap silang lahat, you don’t need an invitation; ang sabihin mo na lang ‘Andito ako, if you need me I’m available,’ tulad ng sinabi ng ibang mga presidente. They said to our President, ‘Available kami, narito kami.”

“Kung tumanggi ka dahil wala kang imbitasyon, ‘di mo na kailangan siguro ng imbitasyon sapagkat ang imbitasyon sinabi na niya na gusto niyang makausap silang lahat.”

Dagdag pa ng butihing pastor, nasa ilalim ng administrasyon ni Aquino nang mawala sa Pilipinas ang Scarborough Shoal kaya mahalaga rin na naroon siya sa pagpupulong upang maipaliwanag nito nang maigi ang talagang nangyari sa WPS sa kanyang kapanahunan.

“Siguro ang pagtawag na lang kung… ang kaklaruhin diyan kung talaga bang willing siya pumunta o hindi. Sa balitang lumabas, ayaw ata talaga niya eh, tumanggi yata siya. So, paanong maipapaliwanag niya (PNoy) ang role niya sa pagkawala ng Scarborough Shoal o sa Panatag Shoal na tinatawag natin? Na in their time, it was in his administration na ito’y nangyari.”

Sa kabilang banda, kung matatandaan, inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na mas katanggap tanggap ang pagpapatawag sa mga dating presidente ng Pilipinas, sa halip na i-convene ang national security council na mungkahi ni dating AFP Chief of Staff at Senador Rodolfo Biazon.

Pahayag pa ni Roque, nabanggit sa kanya ng Punong ehekutibo na walang nareresolba sa National Security Council base sa naging karanasan nito sa pagdalo sa mga naturang pulong.

Kung kaya’t iniisip ni Pangulong Duterte na imbitahan na lamang ang mga dating Presidente kasama na rin ang ilang personalidad para magpulong sa isyu ng WPS.

Binigyang diin din ng Palasyo ng Malakanyang na walang nakakalito sa posisyon ni Pangulong duterte sa West Philippine Sea dahil walang teritoryong mawawala sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.