PNP, bibili pa ng karagdagang 10 helicopters at 50 patrol boats

Bibili ang Philippine National Police (PNP) ng 10 karagdagang helicopters at 50 patrol boats sa susunod na tatlong taon.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, ang mga bibilhing karagdagang kagamitan ng PNP ay makakatulong sa pagtiyak ng malinis at maayos na halalan sa 2022.

Dagdag pa ni Albayalde, bahagi rin ng paghahanda sa halalan ang pagtatalaga ng bagong PNP officials para sa bubuuing Security Task Force, dahil karamihan sa mga kasalukuyang nakapuwestong police generals at senior officers ay magreretiro na bago mag-2022.

Sinabi naman ni PNP Deputy Chief for Administration, PLtGen. Archie Francisco Gamboa, Commander ng Security Task Force 2019 Midterm Elections, na ngayon pa lang ay kasado na ang kanilang 3-year preparation plan para sa 2022 elections.

Target aniya nila na siguruhin na walang failure of elections, mabawasan pa ang election-related incidents, at kontrahin ang banta mula sa private-armed groups, loose firearms, criminal gangs, at terorismo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.