PNP Chief Albayalde, dapat isama sa muling pag-iimbestiga sa 2013 drug buy-bust operation

Dapat isama si Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde sa gagawing reinvestigation sa kontrobersiyal na drug buy-bust operation ng Pampanga police noong 2013.

Sinabi ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Richard Gordon, matapos ang naging pagdinig kahapon ng kanyang komite tungkol sa mga tinatawag na ninja cops o mga pulis na nagrerecycle ng nasasabat nilang ilegal na droga.

Ayon kay Gordon, alam man o hindi ni Albayalde ang naturang operasyon, dapat ay makasama ito sa muling pag-iimbestiga sa isyu dahil napakalaking alegasyon ito na kinasasangkutan ng higit 200 kilo ng ilegal na droga.

Hindi aniya dapat nakalagpas kay Albayalde ang naturang operasyon, at dapat ay nanindigan ito noon pa man na may mali sa ginawang operasyon ng kanyang mga tauhan.

Si Albayalde ang provincial police director ng Pampanga nang maganap ang insidente.

Bagamat napatalsik sa pwesto si Albayalde, sinabi ni Gordon na hindi nito binitawan ang kanyang mga tauhan at pinakiusap pa noon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na huwag ipatupad ang dismissal order sa 13 pulis na sangkot.

Mariin namang itinanggi ni Albayalde ang naturang alegasyon.

Normal lang aniya na kamustahin ng isang komander ang status ng kaso ng kanyang mga tao at walang cover up

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.