PNP Chief Albayalde, mananatili sa pwesto sa kabila ng kinakaharap na isyu — Pres. Duterte

Tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa kabila ng isyu  na ipinupukol laban sa kanya.

Ayon sa Pangulo kahit na isinasangkot ang pangalan ni Albayalde sa isyu ng mga ‘ninja cops’ na di-umanoy nagre-recycle ng mga iligal na droga, mananatili pa rin ito sa kanyang pwesto hanggat walang matibay na ebidensya laban sa naturang opisyal.

Sinabi ng Pangulo hihintayin na lamang nito na magsagawa ng imbesitigasyon si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kay Albayalde.

Inihayag nito na magdedepende ang kanyang desisyon sa magiging resulta ng imbestigasyon ng DILG.

Paliwanag ng Pangulo, hindi niya pwedeng pagbatayan ang resulta ng imbesitigasyon na ginagawa ng Senado dahil kailangan nitong sundin ang proseso ng batas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.