PNP Chief Cascolan, mga kriminal na pulis, dapat ikulong

Hindi dapat maging madali ang buhay sa kulungan ng mga pulis na mapapatunayang gumawa ng krimen, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan.

Saad ni Cascolan, hindi lang dapat posasan kundi kaagad dapat na ikulong ang mga pulis na mahuhuli sa kanilang internal cleansing at ituring na ordinaryong kriminal.

“Police personnel arrested in internal cleansing operations should be put in lock-up jails, should be treated as criminals too,” lahad ng hepe.

Giit pa ni Cascolan, dapat ay maging malupit sa mga pulis na kriminal dahil nagawa pang pumasok sa iligal gayong tumaas na ang kanilang sweldo.

“Treat the civilians the same way as we treat criminals in our organization. Dapat nga mas masahol pa ‘yung treatment natin sa mga tao natin eh di ba? Inangat na sweldo natin, binigyan na ng magandang welfare ang tao natin, we should pay back,” aniya pa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.